kultura ng mga pilipino noon at ngayon




  
 Kultura ng mga Pilipino Noon at Ngayon

        Kilala ang mga pilipino bilang isa sa may magagandang katangian sa mundo .hindi lamang sa asal mayaman din ang ating bansa sa kultura at tradisyon.Isa din sa magagandang katangian ng pilipino ay ang pagsalo-salo sa hapag kainan tuwing hapunan,lalong lalo na kapag may okasyon katulad nalamang ng kaarawan ,piyesta,kasal at iba pa…hindi rin makalimutan ng pamilya na manalangin upang mag pasalamat sa mga biyaya at pagpapala na tinatanggap ng bawat isa mula sa Diyos.


        Subalit nakakalungkot man isipin unti –unti ng nawala ang mga magagandang katangiang ito.ngayon mapa bata man o matanda abala na sa paglalaro ng online games ,tablets ,telepono ,loptop ,at pati narin ang pag facebook at Instagram sa halip ng pag socialize sa ibang tao.noon ang mga Pilipino ay sumusunod sa tamang oras kapag sila ay may gagawin na pagpupulong-pulong ,o kaya'y sila ay magkikita –kita.pero ngayon ang mga Pilipino ay palagi ng mahuhuli sa tuwing may pulong –pulong na mangyayari .dahil na implowensyahan na tayo sa ibang bansa.at pati narin sa ating mga pagsasalita na halos nalilimutan na natin ang ating sariling wika,dahil para sa atin mas madali ang pagsasalita ng ibang linggwahe kaysasaatin  . Para sa aking pangkat hindi naman masama na matuto tayo ng ibang wika pero dapat hindi natin kalimutan ang ating mga salita na pinanggalingan na ating sariling wika.

         May nawawala man o nagbabago ,ngunit sana ay lagi nating tandaan kung saan tayo nagmula .kaya wag nating pabayaan ang ating ugaling Filipino na pinagyaman ng panahon .dahil pagdating ng panahon tayo din ay magiging magulang ,kaya wag nating kalimutan ang turo ng ating inang bayan .ang mga responsibilidad ng iyong magulang at bukas sayo iaatang, tayo na ang susunod sa listahan .ang tanging iyon mama mana ay magandang katangian at ipapasa sa iyong anak para sa kinabukasan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

kultura ng mga pilipino noon at ngayon

    Kultura ng mga Pilipino Noon at Ngayon          Kilala ang mga pilipino bilang isa sa may magagandang katangian s...