Kultura ng mga Pilipino Noon at Ngayon
Kilala ang
mga pilipino bilang isa sa may magagandang katangian sa mundo .hindi lamang sa
asal mayaman din ang ating bansa sa kultura at tradisyon.Isa din sa magagandang
katangian ng pilipino ay ang pagsalo-salo sa hapag kainan tuwing hapunan,lalong
lalo na kapag may okasyon katulad nalamang ng kaarawan ,piyesta,kasal at iba
pa…hindi rin makalimutan ng pamilya na manalangin upang mag pasalamat sa mga
biyaya at pagpapala na tinatanggap ng bawat isa mula sa Diyos.
Subalit
nakakalungkot man isipin unti –unti ng nawala ang mga magagandang katangiang
ito.ngayon mapa bata man o matanda abala na sa paglalaro ng online games
,tablets ,telepono ,loptop ,at pati narin ang pag facebook at Instagram sa halip
ng pag socialize sa ibang tao.noon ang mga Pilipino ay sumusunod sa tamang oras
kapag sila ay may gagawin na pagpupulong-pulong ,o kaya'y sila ay magkikita –kita.pero
ngayon ang mga Pilipino ay palagi ng mahuhuli sa tuwing may pulong –pulong na
mangyayari .dahil na implowensyahan na tayo sa ibang bansa.at pati narin sa
ating mga pagsasalita na halos nalilimutan na natin ang ating sariling
wika,dahil para sa atin mas madali ang pagsasalita ng ibang linggwahe
kaysasaatin . Para sa aking pangkat
hindi naman masama na matuto tayo ng ibang wika pero dapat hindi natin
kalimutan ang ating mga salita na pinanggalingan na ating sariling wika.
May nawawala man o
nagbabago ,ngunit sana ay lagi nating tandaan kung saan tayo nagmula .kaya wag
nating pabayaan ang ating ugaling Filipino na pinagyaman ng panahon .dahil
pagdating ng panahon tayo din ay magiging magulang ,kaya wag nating kalimutan
ang turo ng ating inang bayan .ang mga responsibilidad ng iyong magulang at
bukas sayo iaatang, tayo na ang susunod sa listahan .ang tanging iyon mama mana
ay magandang katangian at ipapasa sa iyong anak para sa kinabukasan.